BALIK BAYAN BOX DOOR TO DOOR DELIVERY SERVICE
JAPAN TO PHILIPPINES
"Ito ang tunay na rekomendado ng kaibigan mo."
Tokyo # (0081)345888742
Viber +63939-9174253
SUBARASHI CARGO SERVICES

SUBARASHI CARGO SERVICES BALIKBAYAN BOX






 


 









Tok



Blog

Life is not easy even if you take it easy .

Posted by lee on August 6, 2009 at 10:28 AM

 Sa pagtira   ko sa napakagandang Japan  madami akong natuklasan  na masasabi kong hindi ko ito nakita sa pananginip   ko even in my   day dreamings.  Nuong hindi ko   pa  napupuntahan ang bansang Japan ,Amerika lang ang parang alam kong bansa . ,Sa first  day experienced   ,,wala pa ang awareness  Actually wala akong culture shocked  ..Basta    may nakita lalagpas lang ang tingin, kung may marinig ano yun?  kung may  makain o nakahain sa hapag  shocks or speechless.Naalala ko pa kahit nakapajama kami lumalabas kami  ng kalsada which is bad manner pala dito .Ganyan ako nuong unang salta sa bansang ito.Laging hilo sa pagod  at lahat ng place na mapuntahan hindi ko na maremember hanggang piliin kong manirahan dito,  hindi dahil sa pera o luhong  madaling matikman.Kundi dahil sa matiyaga kong asawa.Sa  takbo ng buhay ko una ilan sa kaibigan  ko ang sanay na sa buhay dito ang mahigpit na nagpayo  " dont trust kapwa Pilipina daw at  huwag na huwag makisama sa  in-laws. "Bakit kaya sabi ko kasi nga extrovert  naman ako paano ko kaya yun magagawa   ,naalalang  sinabi ko sa sarili ko  nuon.Nilibang ko nalang ang sarili ko sa  paggarden at pagtabas ng bermuda sa bakuran at sa walang sawang pasyal at pakikipagkita sa mga may asawang kaibigan since my young age na  mga   kababata ko . Then dumating ang panahon na  sadyang  may magiging  kaibigan kahit hindi hanapin sa  everday na  buhay  ko  . May   una akong nakilala   magandang bata pa na may  isang cute na anak  at iba pa sa isang class ng Japanese lesson  .Mga two years na ako dito   ,when I allowed myself to mingled with kapwa  Pilipina , hanggang dumami kami then   mga kababata kong   drive  a long hours  just to visit me  nakikilalala din nila.Masaya ang buhay  namin   parang nasa pinas kami.   Missed my barcada's  though  na mga may-asawa na sa pinas .  Pero dumarating talaga na kapag  malaki na mga anak  seryoso narin ang bawat isa  dahil narin sa lumalaki ang gastusin  at mga gawain walang katapusan sa loob at labas ng bahay. .Mas madalas  wala nang oras sa pakikipag-kapwa  work nalang  para sa maraming gusto  na  mabili o para maibsan ang boring days  ng walang anak na kabarkada dito..Magkakapera pa sabi nga nila.Iba naman may dreams  sa buhay ,well , nakapagpatayo naman sila ng dreamhouse  nila ,new car, o nakapag-paaral sa college.Nakakatuwa  may napuntahan ang pinagpaguran o pagsasakripisyong oras sa work and family.

    Hindi naman maikakaila  ito na  ang takdang ginusto  ng bawat isang nangibang bayan.To get the dreams  or to success in life   .Though  ,ang mag-adjust  sa  bawat  kulturang mararanasan  ay isang napakahirap  matutunan kung ipipilit ang sariling   pag-iisip . But I am sure to say  , kakaiba ang lifestyle ng bansang Hapon.Kung pumunta ka ditong easy easy  ,mga ilang taong pag-stay  isa ka na sa nagkukumahog sa mga pupuntahan( yougi) kahit may gawain ka pa sa loob ng bahay mo.,kahit mahilo-hilo ka pa at bitbit ,mo ang anak o mga tsikiting mo. Isa ka na rin sa magrereklamo  kung bakit  malamig ang pakikitungo dito ng mga tao kahit kababayan ka pa nila o  isa kang dayuhan walang pinipili talaga..Isa ka sa magsasabing hay! sarap umuwi kung may pera marelax man lang.Maging  sa isang misis na laging kinukuwestiyon  ang mala robot na pakikitungo ng maraming lalaking hapon..O istriktong pamamaraan sa buhay ng lalaki ,lalo kung kasama mo ang biyenan .Lucky are those  na kaya nila ang biyenan na sadyang malinis ang pakitungo sa dayuha.Ilan lang sila at pawala na ang mga ganyang matatanda .Nagpunta ako dito na may ugali din naman nilang istrikto .But once na matutunan ang pagiging organize  na itinuturo ng  bansang ito  nawawala ang" mamaya na habit" .Actually ,I am not obvious  in my attitude  maybe because  in the Philippines  there's no need to apply  ,bansang napakasarap tirhan kahit mahirap  ang buhay   .Wala na yata papantay  sa way ng pagppalaki ng ating bansa kahit  napaghuhulihan  parin sa original at sabi mahilig mang-gaya. Basta  life is easy or take it easy sabi nga sa atin..Japan is  a very organize country.Sa entrance palang ng house nila hindi pwedeng  hindi mo aayusin ang shoes even the slippers kung  lalabas  nang pinto.Grabe !!!as in grabe silang komakai  o organize .Same din sa buong pagkatao nila.Ito narin ang reason bakit  sa bansang ito effective ang salitang tahimik ay dangerous o mahinhin kuno.sa loob palang ng pamilya nila dami  bawal .Tumawa ka kaya ng malakas kundi batok ka o mura ang regalo mo.Sasabihin pa nakakaistorbo ka  in ang out of this house.Hindi mo pwedeng  ilabas ang true sa pagkatao mo.Kaya naman talagang  pasa-pasang lahi nila eh, sobrang maselan  imagine kahit  5 years old sabihan kang "huwag mo akong tatawagin lang sa apelyido ko dapat  buong pangalan ko  at kahit ang  alaga kong aso  ." laban ka diyan ......:D.Pero lumaki naman sa mababait na pamilya yung walang halong  kaplastikan ika nga super  ang bait naman  ng mga Hapon  .Maawain sila as in kahit langgam ayaw nilang patayin.

  Sa iba  naman  hindi mo sila (older people)   maasahan  o makitaan ng pagmamalasakit  sa ugaling walang galang , ang  maiisip mo pag nakita mo  kung paano ang kabataan makipag-usap sa matatanda sa kanila. O ,sobrang smart nga ba  ang ganitong  klase ng bata. Dito kahit kantiiin takot sila kahit konti baka kasi makasuhan.Pero pakinggan mo naman  puro  matunog na B***********  eh, very much welcome sa  any occasions.Sanay na sila kaya  ano nga ba ang sakit ng ulo ng society dito? siyempre ang  kibit balikat ng matatanda sa pagmumura sa kanila ng anak o apo, o ang pagtaas ng boses sa kanila  na parang sila ang unang ipinaganak sa mundo.Ang pagkaligaw ng maraming Kabataan dito  sa utos ng  leader sa school  man o labas, para magnakaw sa convienience store.kung hindi daw kasi susundin bullying ang mangyayari.O ang maagang pagtatabi   sa  lalakiat pang-aabort  na pinapayagan ng karamihan sa magulang dito.Kaya nga sa mga interview for the past years makikita ang lungkot sa hindi na pagkakaroon ng anak  ng karamihan sa dalagang nag-asawa na ,dahil sa manipis na ang bahay bata ,sa pagaabort  nuong sila pa ay  dalagita pa....Sino nga ba may kasalanan ang takot nila sa batas na huwag mag-anak ng marami o ang kawalan ng oras sa anak  o ang  kulturang  independent? kaya  pag may napapanood kami sa teevee  na may anak na 12 o 14  na magasawa.....wow!!!   God is good  sabi namin...Opps!!!!!!!  o ang mas mataas na priyoridad  na kanilang walang pagkilala sa  utos ng Diyos .sabi nga ni kura Paroko   ang mga Hapon kahit kristiyano na sila ay matigas parin sa kanilang nakagisnan kaya kayong mga Pilipino inpluensiyahan  ninyo sila.OO nga sabi namin kay father ..Ang mga Pilipino wala mang pera masaya Father  pero ang mga Hapon lagi nilang inuunahan ang future kaya pag sa tingin nila mawawalan na sila , walang  pahinga sila hanggang makuha nila ang  gusto nilang  makuha. But one thing is sure the Japanese are  good follower of  their leaders  at makikita na rin sa kanila ang Kulturang kinagisnan ay tapat nilang isinasabuhay dahil iyon lang   ang kanilang nalalaman  walang halo o mixed of other races  culture  .They have their  own originality ;The Linguitistic attitude.kaya naman matigas  ( katai)  sila  sa paninindigan .And one thing more  pag sila ay naging malalim sa pagiging Catholic Christian  you will feel blessed sa  kanilang pagsunod sa Diyos.  Makikita mo sa kanila ang sina-unang Pilipino.

   While  the good result of endeavour of our priest  to change   the Japanese country  in their spirituality  ,kasama narin ang ibang pinuno ng simbahan kristiyano.,May problem naman ang mga  isinilang sa bansang kristiyano na dumayo sa bansang Pagano.Magulong  samahan , umpukan ng grupo pag may pinag-kakaisahan,  Kinaiingitanng kapwa , Maraming umpukan gagawin kang pulutan kaysa pagusapan kung paano makakatulong o madalas talo ang may  mabuting intensyon dahil marami  ang negatibo o worst to say against  sa isang tao. .Then iba naman  nang-aagaw ng oras  sa asawa ng iba o hanggang kunin na sa totoong may-ari,pagkalimot sa itinuro ng ninuno  pagkalulong sa sugal at pangungutang ng walang plano,marami pa .Mas madalas kung sino pa ang praise ng praise  o prayer meeting ng prayer meeting sila pa ang pasimuno para mawala  ang pagtitimpi ng totoong naglilingkod at nag-aaral sa Totoong Faith .Socialan na nga lang ang makikita sa mga palasimba  o nasa  community  ?.?Ask mo ano ang   gospel kasi hindi ako nakasimba ...hindi maishare.Although  sa mga talagang simba lang at walang grupong sinasamahan makikita iyong humbleness na si Lord lang talaga ang kanilang sadya.  Marami na ngang Kristiyanong nakakalimot .Mas madalas pag nagsimba ang ilan sa Japanese mass  umiiyak sila dahil very solem ang simba ng mga Japanese.Very touching na hindi naman maunawaan pa ng ilang Hapon kung bakit  may umiiyak sa pagsisismba,sabi ko kasi our country    is a  Christian ,Since we  were born Christian  nararamdaman na namin ang kanyang Holy  Spirit.  makikita lang sa kanila ang pagtataka parin at reaction salita na honto ?aaaa.

 Maganda ng mundo kung maraming makikinig  dahil may pandinig, kung maraming  nakakakita dahil may mata, kung maraming  nakaka-unawa dahil may pang-unawa , kung marami ang magsasalita dahil may pusong nagsasabi o konsensya na sumisigaw kung papansinin ,Tiyak marami ang matutulungan  kahit walang pera  .Madalas  kahit makinig hindi man lang mabigyan ng time  angkapwa .Being a good listener  is a big help   .One  time  namimili ako sa supermarket may isang lola na kinuwentuhan niya  ako sa gitna ng  namimili isa siyang  staff ng supermarket na iyon ,sinabi niya sa malakas na boses huwag na huwag kang magtitiwala sa mga hapon na kababayan ko wala silang kuwenta ,wala silang kapwa tao, kahit  nahihirapan ang katabi nila  ,ang kapamilya nila , wala silang pakiramdam  .that time nakikita ko ang mga katabi kong nakikinig na galit ang mukha sa kanya at hindi umalis  sa tabi ko ang isang nasa 40  edad na housewife na galit sa kanyang sinasabi .Naipit ako sa dalawang  malaking bato ...wala akong ginawa kundi makinig at makinig kahit  may galit sa paligid .Then saka na ako nag excuse nuong nasabi na niya ang  gusto niyang sabihin .Sa totoo lang lahat ng sinabi niya ay true .Hinahangaan ko pa ang matanda  sa lakas ng loob niya na mag-salita .Malay natin  baka may nakaunawa  sa isa sa nakarinig at makapag-isip .Kaya  ,kahit makinig nalang  kung ang isang  nagsasalita ay matalino naman.Kung may naguguluhan tyak sa pakikinig sa tawag ng simbahan na mag-aral ang isang tao ,magiging daan ito para may maitulong ,magkakaroon ng tamang daan sa  isang naguguluhan o kaguluhan.Isa lang ang  hadlang  sa buhay ,na akin ding naranasan sa  buhay  na ipinagdasal ko  na ayoko nang maulit ....ay ang pagiging maingay ng  sariling gusto ko at sariling pagpapasya ng isip ko mga plano sa buhay na mas tinignan ko nuong nawalan ako nang  relasyon  sa Diyos. kaya wala akong saysay sa loob ng ilang taon .Kaya ano nga ba ang mas  gugustuhin  ng isang tao ang maingay na sarili  na halos lumiit na ang boses ng Diyos o o ang tahimik na sarili ? Kaya  Life is not easy talaga without the guidance ng Diyos  though God give us easy life but  often  it does not work  sa buhay natin.Why?   Because even if we take it easy God  want us to  be aware  in our sorroundings    na   pinaghaharian ng  kadiliman.Sabi nga sa kanta ng Church " Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang ".   ( Hitori de ikirarenai)Pinatutunayan  na kaya ginawa si Eba para kay  Adan  (otagani)  helping each other . At ang  pagbibigay ng karapatan to govern the natural resources  ang mundong tinitirhan  na ginawa ng Diyos para pakinabangan.Kaya naman tiis  ako sa pagrerecycle kahit  dagdag sa bitbitin papunta supermarket, sa lagayan ng nilinis  na styro at   ng petbottle  Ano man ang mangyari sa future  sa bawat isang nilalang , sa bawat kultura at batas na pina-iiral .Lalo na sa bali-balitang  magugunaw na ang mundo  .Hindi hahayaan ng Diyos na ang kanyang ginawang napakagandang mundo ay matatapos lamang sa kapabayaan nating mga tao.Kaya pansinin mo life is not easy kahit pa sabihing life is easy.Sa  kadahilan na mayroon tayong pakiramdam  na  hindi maitatatuwa  na tayo ang pinakamataas na nilalang ng Ama.Magmula sa puso nagmumula ang lahat kung saan sa sulok ng puso naroroon ang kunsensya na tumatapik  sa atin  .Sa hardened  spirit   matagal  bago maramdaman ang tapik..

 

 

 

 

 

Categories: None

Post a Comment

Oops!

Oops, you forgot something.

Oops!

The words you entered did not match the given text. Please try again.

Already a member? Sign In

0 Comments